5 patay, kabilang isang kumander, sa shootout sa Kabacan, Cotabato; matataas na kalibre ng baril nakumpiska – PNP
KORONADAL CITY – Nauwi sa shootout ang police operation sa Sitio Dima, Barangay Paatan, Kabacan, Cotabato, nitong Martes, December 16, na ikinamatay ng lima katao, kabilang si Ibrahim Macalnas, kilala bilang “Commander Bikog.”
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PLt. Warren Caang, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, kabilang sa mga napatay sina Datukan Macalnas, Ismael Luncayao, at dalawang hindi pa nakikilala na kasama kung saan dalawa rin sa kanila ay may kinakaharap na kasong murder.
Ayon kay Caang ang operasyon ay isinagawa matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga kapitbahay hinggil sa iligal na bentahan ng shabu at pagtatago ng mga walang lisensyang armas sa kanilang hideout.
Dito rin sana ipatutupad ang warrant of arrest laban kay Commander Bikog kaugnay ng kasong pamamaril-patay sa isang nagtitinda ng pandesal gamit ang tricycle ilang buwan na ang nakalipas. Sa engkwentro, narekober ng mga pulis ang iba’t ibang matataas na kalibre ng baril kabilang ang isang assault rifle, dalawang .45 caliber pistols, isang gauge 12 shotgun, at isang 9 millimeter pistol.
Nakumpiska rin ang P20,400 halaga ng shabu mula sa mga naaresto na sina Monera at Teggy Macalnas, na kasapi rin ng grupo. Dagdag pa ng opisyal, ang operasyon ay ipinatupad upang isilbi ang multiple search warrants mula sa Regional Trial Court Branch 22 sa Kabacan.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon upang tukuyin ang mga hindi pa nakikilalang mga napatay at masiguro ang buong kaligtasan ng komunidad. Naghahanda rin ang pulisya sa posibilidad na retaliation mula sa tagasuporta o kasamahan ng mga nasawi.
- TAGS
- 5 killed
- Cotabato PNP
- Cotabato Province
- Kabacan
- Law enforcement operation
- Lawless elements
- Local News
- Top Story
Plano ng Department of Budget and Management (DBM) na gamitin ang humigit-kumulang P20 billion mula sa Malampaya gas project upang pondohan ang bulk oil.
Paghina ng piso vs dollar, may mabuting epekto sa exportation at. March 27, 2026 | 8:31 AM Pagdinig sa Kamara sa impeachment ni VP Sara, nakatutok lamang sa. March 25, 2026 | 4:07 PM Pinay Tennis Star Alex Eala, makaatubang si Karolína Muchová sa Round. March 23, 2026 | 11:10 PM Banga MPS, Padayon ang imbestigasyon sa nagluntad nga pagluthang patay sa. March 29, 2026 | 10:37 AM PBBM tiniyak na sapat ang suplay ng langis sa bansa, ’di. March 26, 2026 | 1:46 AM Masobra 24 ka mga indibidwal, patay sa bus nga nahulog sa. March 26, 2026 | 11:36 PM Streaming LiveDXMC Bombo Radyo Koronadal (1026 kHz AM) is the consistent top rater and most listened radio station in Koronadal City and South Cotabato. For the past fourteen (14) years, Bombo Radyo Koronadal still number one (1) both in Radio Research Council survey in 1996 and National Radio Survey of Gio-visual released in May 2007. Bombo Radyo Koronadal is located at Km. 4, General Santos Drive, City of Koronadal and the Capital of the province of South Cotabato. The City of Koronadal (formerly called Marbel), is the Provincial Agri-industrial Center of the province and also the Regional Center of the SOCSKSARGEN Region.